25 October 2009

Table Napkin Notes

Some notes I've written on a table napkin while on a meeting that went well although my mind was about someone somewhere with someone else... yeah, it's complicated.

Sobrang nasaktan ako dahil minahal kita ng totoo, sobra-sobra sa kaya kong sigurong ibigay o naibigay sa kanino man. Parang naging manhid ng ilang araw, pilit na huwag makaramdam ng anuman at ngayon lang parang gustong tumulo ang mga luha.

Sabihin mo sa akin paano ko babalewalain at kalimutan na lang ang nararamdaman ko para sa iyo. Turuan mo akong maging masaya ulit ng walang halong pagkukunwari sa harap ng ibang tao kahit na wala na tayo, na magmahal ng iba at sa tingin ay siyang nararapat kahit na ikaw ang gusto kong makakasama, hinahanap ng puso at isip ko. Turuan mo akong huwag ka ng hanapin pa.

Gusto kitang pigilan pero hindi ko alam kung papaano. Papipigil ka kaya? Mahal mo pa kaya ako? Di ko maipapangakong di kita masasaktan gaya ng alam mong masasaktan mo rin ako. Pero gaya ng tanong mo sa akin dati, "Mas maging masaya kaya ako kung ito ang pipiliin ko, kung kalimutan na lang ang nararamdaman ko? Ano nga ba ang dapat? Hanggang dito na nga lang ba?

Ah... love, when we love, why can't we think straight? It's only when we are already in pain that somehow our mind tries to control what our heart feels? So corny, so dramatic. What can I do, this is what I feel. And maybe, you feel the same(?). Or, others may feel if they are in the same situation as we are in right now.

0 comments:

Blog DirectoryBlog DirectoryOutstanding Insights : Experts on Love and Relationship Blogs - BlogCatalog Blog Directory